Dagos tabi kamo!

A compilation of literary works, views, images, videos and straightforward discourse on politics, economy, culture, arts, society and current events. The blogger is native Bicolano from Sorsogon. Although he is considered as a pride of Bicol (Orgullo nin Bicol), he writes and speaks fluent Tagalog than dialects. Read on as he shares her views on various issues.

Pages

Powered By Blogger

Sunday, June 14, 2009

TULA


PANAMBITAN NG BULUSENO
Ni Fernan G. Emberga

mga kababayan ko sa bulusan
halina’t dinggin ang aking panambitan
pagmuni-muniin at inyong ipagnilay
at sama-samang isangguni sa poong maykapal

anong milagro itong nangyayari sa ating lugar
kababalaghang hindi ko rin lubos na maintindihan
bakit ang dambana nitong ating bayang mahal
winawarat at sinasalaula ng mga tampalasan

ang lumang kampanaryo na siyang piping-saksi
sa pagsilang ng bawat buluseno maging sa paglaki
ang dupikal ng kampana nito’y nagsilbing oyayi
nagpatahan sa sanggol habang pinaghehele

ang muog at simburyo nitong kampanaryo
ay bantayog at tanggulang sumisimbolo
ng maningning na kasaysayan ng ating mga ninuno
sa pagtatanggol sa bayan laban sa mga dayo

ngunit sa isang iglap, bakit wawasakin
ang marikit na lugar ng patio na hardin
ano kayang pumasok na masamang hangin
sa isipan ng kura-paruko at obispo sa atin

uriratin po natin aking mga kababayan
ano kaya ang nag-udyok sa kanilang kapasyahan
bakit patatayuan ng isang gasolinahan
ang harapan nitong kinalakhang simbahan

mahabaging langit, o Diyos na makapangyarihan
hipuin mo po ang puso at kanilang isipan
kung sila’y tunay mong ‘sugo’ na sa ami’y mamatnubay
huwag naman sanang ikalakal pati na ang simbahan.

siya nawa…

1 comment:

ygero said...

Isa po akong mag-aaral ng BU na kasalukuyang kumukuha ng BSEd Major in Filipino, gusto ko lang pong itanong kung mayroon po kayong listahan o mga alam na iba't ibang uri ng panitikan sa Sorsogon?? Kailangan na kailangan ko lang po talaga para sa aming proyekto sa FilEd 1(Lit)... PLZ PO, nagmamakaawa po ako. Nangangapa na po ako sa dilim sa sobrang desperado...
Paki-4ward na lang po sa emailk kong ito: m.reyclifford@yahoo.com, SALAMAT PO at DIYOS MABALOS.