Sunday, June 14, 2009
BULUSAN
Ni Fernan G. Emberga
bulusan, bulusan
bayan kong sinilangan
sa kandungan mo ako’y humimlay
sa oyayi mo ako’y idinuyan
sa kalinga mo ako’y nagkamalay
bulusan, bulusan
pinakamamahal kong bayan
‘di ko malilimot mga pangaral
nakapunla rin sa puso ko’t isipan
iyong tagubilin at panambitan
bulusan, bulusan
ikaw ang aking gabay
sa mahabang paglalakbay
sa kabiguan man o tagumpay
ikaw ang aking karamay
bulusan o aking bulusan
dakila ka’t mapag-arugang bayan
malaon mang sayo’y mawalay
ikaw pa rin ang babalikan
sa pagtanda ikaw ang kanlungan
sa kandili mo’y muling hihimlay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Ginoo,
Ako po ay mag-aaral ng Pamantasan ng Bicol Kolehiyo ng Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino, at kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Fil Ed 2 (Lit) – Kulturang Popular. Kaugnay po nito, hinihingi ko po ang inyong tulong para magawa ng maayos at mahusay ang aking proyekyo --- ang malaman ang mga kulturang popular noong bago pa dumating ang mga Kastila, panahon ng Kastila, panahon ng Amarikano, panahon ng Hapon, at lalong-lalo na sa kasalukuyang panahon. Sana po ay magkaroon kayo ng panahon para magawa ito. Ang totoo po ay nakapangalap na ako ng mangilan-ilan pero hindi pa po sapat ang mga iyon --- kailangan ko po ng mas maraming kultura mula sa iba’t ibang lugar. At kung maaari din po ay sana makapadala kayo ng mga larawan para po sa mga ito.
Batid po ang inyong kahusayan at sapat na karanasan, naniniwala po ako na malaki ang inyong maitutulong para madawako po ang aking proyekto.
Hangad ko po ang inyong mabuhay na pagtanggap at pakikipagtulungan. Maraming salamat po at isang mapagpala at kaaya-ayang araw po sa inyo…
Gumagalang,
Rey Clifford Marollano
PS: Maaari po ninyong ipadala sa email add na mga ss:
mckoim@yahoo.com
clifford_rey@live.com
Post a Comment